Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 3:53, Martes ng hapon (October 27), 5,417 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 199 ang aktibong kaso.
Isa ang itinuturing na probable cases habang 968 ang suspected cases kung saan 21,038 ang cleared na.
48 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 5,046 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, 172 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.
MOST READ
LATEST STORIES