Ayon kay Dir. James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, makakasama sa bilang ang mga bagong nagparehistro at ang ‘activation’ ng mga dating botante.
“Four million potential registrants and expected a million reactivation, we project that we will have from anywhere around 62 million to 63 million voters in 2022,” sabi ni Jimenez.
Ibinahagi nito na nag-‘deactivate’ sila ng halos tatlong milyong botante matapos ang 2019 election dahil sa kabiguan na makaboto ng dalawang sunod na eleksyon kayat bumaba sa 59 milyon ang mga botante.
Noong nakaraang eleksyon, 46 hanggang 47 milyon lang ang botante na bumoto para sa 75.90 percent voter turnout.