Dagdag na 30 kaso ng COVID-19, naitala sa Baguio

Umabot sa 30 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Martes ng gabi (October 27), umabot na sa 1,961 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 583 ang aktibo pang kaso.

14 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,352 na ang total recoveries sa Baguio City habang 26 na ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,372 ang aktibo habang 3,057 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 15,363 na residente habang 18,655 ang nakatapos na.

Read more...