Kaso ng COVID-19 sa Western Visayas, sumampa na sa 16,000

Nagpositibo ang 223 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang October 27, umakyat na sa 16,181 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

3,059 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Sinabi nito na 78.56 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

139 naman ang gumaling pa kaya 12,747 na ang total recoveries sa Western Visayas.

Umakyat naman sa 375 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...