‘Overpriced’ COVID-19 tests, pinuna ni Sen. Gordon

Photo courtesy: Sen. Richard Gordon

Nakatanggap ng mga reklamo si Senator Richard Gordon na mataas na singil para sa ‘swab test’ sa mga airport at seaport sa bansa.

Ayon kay Gordon, nagsimula ang ‘overpricing’ sa swab test nang itigil ng Philippine Red Cross noong Oktubre 14 ang pagsasagawa ng testing sa referrals ng PhilHealth dahil sa halos P1 bilyong utang ng ahensiya.

Sinabi ng Gordon na marami sa mga reklamo ay mula sa mga nagbalik na Filipino mula sa ibang bansa at aniya, ang singil ng mga pribadong laboratory ay P10,000 hanggang P20,000 depende sa bilis ng paglabas ng resulta.

Bunga nito, hinimok ni Gordon ang gobyerno na tingnan ang mga reklamo laban sa mga pribadong laboratory.

Nabatid na ang dating singil ay P4,500 lang.

Read more...