Mga pulis na naka-recover sa COVID-19, lagpas 6,500 na

Aabot sa 28 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (October 27), 7,082 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 549 ang aktibo pang kaso.

50 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 6,511 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang pulis na napaulat na nasawi dahil sa COVID-19.

Bunsod nito. 22 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...