Alaska Aces nakalusot sa TerraFirma Dyip, 99-96

Photo credit: PBA media bureau

Nagawa na namang maitakas ng Alaska Aces ang panalo sa 2020 PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Binigo nila na makatikim ng unang panalo ang TerraFirma Dyip, 99-96.

Binitbit ni Vic Manuel ang Aces sa kanyang 18 puntos para iangat ang Alaska sa 4-3, matapos maipanalo ang apat sa kanilang huling limang laro.

Nabigyan pa ng pag-asa ang Terrafirma na masungkit ang kanilang unang panalo ngunit hindi pumasok ang three-point shot ni Eric Camson.

Sa unang bahagi ng laban, umabante pa ng 14 puntos ang Dyip at sa halftime ay angat pa sila ng ng pitong puntos, 52-45.

Ngunit, nag-init sa ikatlong yugto sina Robbie Herndon at Abel Galliguez para tumabla sa 79 sa pagtatapos ng 36 minutong paglalaro.

Sa huling yugto, nagtulong na ang mga beteranong si Manuel at JV Casio para umabante na ang Alaska, 97-96, may 1:30 minuto pa ang natitira sa laro.

Dalawang sablay na lay-up ang nangyari kay Rookie of the Year CJ Perez, samantalang nagpasok ng dalawang free throws ang Alaska.

Muling pinangunahan ni Perez ang Dyip sa kanyang 25 puntos.

Read more...