21 pang residente sa Muntinlupa City, gumaling sa COVID-19

Nasa 4,615 na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 27), sa nasabing bilang ay 54 ang aktibong kaso.

290 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 131 ang suspected cases.

Samantala, 4,411 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 150 pa rin ang bilang ng nasawi.

Read more...