BREAKING: PhilHealth, nagbigay na ng P500-M partial payment sa Red Cross

Nagbayad na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng P500 milyon sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon sa ahensya, partial payment ito ng kanilang utang na halos P1 bilyon sa Red Cross.

Inilabas ang naturang partial payment sa araw ng Martes, October 27.

Sinabi ng PhilHealth na mapapabilis nito ang proseso ng natitira pang balance kasunod ng istriktong pagsunod sa accounting rules and regulations ng gobyerno.

“PhilHealth takes exception to the insinuation that it is reckless and is playing on people’s lives. Its prudence in taking charge of its members’ hard-earned contributions is central to the state health insurer,” pahayag ni PhiHealth President at CEO Atty. Dante Gierran.

“Its exercise of judiciousness is to protect the people and their funds,” dagdag pa nito.

Tiniyak din ng PhilHealth sa accredited laboratories na nagsasagawa ng kasalukuyang OFW RT-PCR tests na pabibilisin ang proseso ng kanilang bayad oras na maisumite ang kumpletong documentary requirements.

Read more...