Ayon sa ahensya, nasa kabuuang 33 line gangs o 264 personnel ang 24/7 na naka-deploy.
Karagdagan pang 12 line gangs naman ang itinalaga sa North Luzon, NCR, at Visayas upang matulungan ang 20 line gangs na unang nai-deploy sa South Luzon.
Hanggang 5:00, Martes ng hapon (October 27), dalawang 500kV lines, isang 230kV line, at limang 69kV lines ang nananatiling de-energized.
Sa ngayon, naayos na ng NGCP ang transmission services sa Pampanga, Laguna, Quezon, Albay, at Sorsogon.
Nangako naman ang ahensya na aayusin ang mga naapektuhan sa bahagi ng Batangas at Camarines Sur sa lalong madaling panahon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
BATANGAS:
BATELEC I and II – October 28
CAMARINES SUR:
CASURECO 1 – October 31
CASURECO 2 – October 31
CASURECO 3 – October 29
CASURECO 4 – October 31