P102-B overpayments ng PhilHealth sa case rate packages ayon sa mga komite sa Kamara

Aabot sa P102 bilyon ang sinasabing overpayment ng Philippine Health Insurance sa case rate packages nito.

Ito ang lumabas sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts at House Committee on Good Government and Public Accountability sa sinasabing korapsyon sa ahensya.

Nakasaad sa 64-pahinang committee report na kabuuang P102.5 bilyon ang overpayment sa case rate packages mula 2013 hanggang 2018.

Bukod ito sa P51.2 bilyong nawala sa state insurer dahil sa fraudulent activities.

Nagsimula ang pagpapatupad ng case rate packages ng PhilHealth noon pang taong 2011 kaya naman pinasasampahan din ng mga nasabing komite ng kasong administratibo sina dating Health Secretary Enrique Ona na Chairman ng PhilHealth board noong ito ay inaprubahan.

Kasama rin sa pinakakasuhan ang iba pang board member na pumayag upang ito ay maipatupad.

Pinasasampahan din ng kaso sa ilalim ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Law ang healthcare institutions na sangkot sa anomalya.

Read more...