Palawan, nakataas pa sa orange rainfall warning

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa bahagi ng Palawan.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Martes ng hapon (October 27), ito ay dulot pa rin ng trough ng Typhoon Quinta na may international name na “Molave.”

Nakataas ang orange warning level sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...