Base sa 64-pahinang committee report, sinasabing kinakitaan ng basehan ng mga nasabing komite upang kasuhan ang mga matataas na opisyal ng PhilHealth dahil sa Interim Reimbursement Mechanism o IRM.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Article 220 ng Revised Penal Code ang ipinakakaso kina Duque at Morales.
Bukod sa mga ito, pinakakasuhan din sina Labor Secretary Silvestre Bello III, Social Welfare Secretary Rolando Bautista, Budget Secretary Wendel Avisado, Finance Secretary Carlos Dominguez III dahil ang mga ito ay miyembro ng PhilHealth board.
Kasama rin sa pinasasampahan ng mga nasabing kaso sina executive vice president Arnel de Jesus, senior vice president Dr. Israel Francis Pargas, at dating Senior Vice President for Legal Atty. Rodolfo del Rosario at Senior Manager Rogelio Pocallan Jr.
Sinabi ni Public Accounts Chairman Mike Defensor, ang inaprubahang committee report ay “subject to amendments” dahil ipapasok pa ang mga irerekomendang panukala ng mga mambabatas para sa pagsasaayos ng sistema ng PhilHealth.
Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon: