COVID-19 recoveries sa Quezon City, nasa 20,331 na

Nagkaroon pa ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 22,258 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Martes ng umaga (October 27).

Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 1,295 o katumbas ng anim porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.

20,331 o 91 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 632 o tatlong porsyento ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 19,402 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

Read more...