Taliwas ito sa naunang pahayag ng Pangulo noong Setyembre na hihilingin niya sa Kongreso na buwagin na ang PhilHealth dahil sa matinding korupsyon.
Paliwanag ng Pangulo, skeletal na lamang ang natira sa PhilHealth at mahirap na bumuo ng panibagong tanggapan na tutugon sa pangangailangang kalusugan ng mga Filipino.
“Eh ‘yung PhilHealth wala na, skeletal ang na-remain diha. Talagang hindi ko bubuwagin ‘yan because hindi ko — hindi madali na mag — it’s not easy really to create another one but I think by this time marami na kasing naa — napa — na-suspend,” pahayag ng Pangulo.
Matatandaang 43 PhilHealth officials na ang nagbitiw sa pwesto dahil sa isyu ng korupsyon.
Kabilang sa mga nagbitiw si Philhealth President Ricardo Morales.