Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (October 27), umabot na sa 373,144 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 37,489 o 10.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,524 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 11.0 porsyento ang asymptomatic; 2.2 porsyento ang severe habang 4.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 14 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,053 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 353 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 328,602 o 88.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.