Red rainfall warning, nakataas pa rin sa Palawan

Credit: PAGASA FB

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Martes ng hapon (October 27), ito ay dulot pa rin ng trough ng Typhoon Quinta.

Nakataas ang red warning level sa Palawan kabilang ang Kalayaan Islands.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Yellow warning naman ang nakataas sa Occidental Mindoro.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...