DOH, nagpaalala na hindi maaaring maglabas ng swab test results sa FOI portal

May paalala sa publiko ang Department of Health (DOH) ukol sa paglalabas ng resulta ng swab test sa pamamagitan ng FOI portal (https://foi.gov.ph).

Kasunod ito ng mga natatanggap na kahilingan ng paglalabas ng resulta sa naturang online portal.

Ayon sa kagawaran, hindi maaaring maglabas ng resulta ng swab test sa FOI portal dahil paglabag ito sa Data Privacy Act.

“Release and dissemination of the requested results is prohibited because it contains personal information of patients not for public consumption,” pahayag ng DOH.

Hinikayat ng kagawaran ang mga pasyente na magsagawa ng follow-up sa testing center kung saan sumalang sa swabbing.

Read more...