Mga panukala sa pagbuo ng Southern at Northern Maguindanao lusot na sa committee-level

Naaprubahan na sa Senate Committee on Local Government ang mga panukala na layong mahati sa dalawang probinsiya ang Maguindanao.

Sinabi ni Sen. Francis Tolentino, ang namumuno sa komite, kinakailangan na ang mga pagbabago sa Maguindanao dahil sa kabila ng pagiging mayaman ng lalawigan sa mga likas na yaman nananatili itong isa sa mga mga pinakamahirap na probinsiya sa bansa.

Tinalakay sa pagdinig ang Senate Bills No. 1824 at 1714 nina Tolentino at Sen. Cynthia Villar, gayundin ang House Bill No. 6413 ni Maguindanao Rep. Esmael Mangudadatu, na pawang layon mahati sa dalawa ang lalawigan sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa mga panukala, ang Northern Mindanao ay bubuuin ng 12 bayan at ang Southern Mindanao naman ay bubuuin ng 24 bayan.

Pag-uusapan pa ng Technical Working Group ng komite kung ano ang dalawang magiging kapitolyo ng bubuuin na dalawang lalawigan.

Samantala, sang-ayon na rin ang Bureau of Local Government ng Department of Finance sa mga panukala.

Naniniwala si Tolentino, ang paghahati ng Maguindanao ang magiging daan para sa pag-unlad ng lalawigan, gayundin ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Maguindanaon.

 

 

 

 

 

Read more...