Diin ni Go malaking tulong kung may isang departamento o kagawaran ng gobyerno na nakatutok sa paghahanda at pagresponde sa tuwing may kalamidad.
Sa kanyang pag-upo bilang senador, inihain na ni Go ang Senate Bill No. 205 para sa pagbuo ng DDR, na layon pag-isahin na lang ang NDRRMC at Office of Civil Defense para sa mas epektibong disaster risk reduction and management.
Sinabi pa nito, dahil madalas ang pagkakaroon ng kalamidad sa bansa makakabuti kung may kagawaran na laging handa, agad makakakilos para sa mabilis din pagbangon ng mga maaapektuhan.
Ang panukala ni Go ay nakabinbin pa rin sa Committee of National Defense na pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson.