Sinabi ni Zubiri nangilabot siya nang mapanood niya ang security camera footages ng ilang beses niyang pananakit sa kanyang service staff.
Diin ng senador hindi niya lubos maisip kung paano nagagawang saktan ng isang opisyal ng gobyerno ang kanyang kababayan.
Aniya paano hihilingin ng gobyerno ng Pilipinas sa foreign employers na tratuhin ng maayos at irespeto ang karapatan ng mga Filipino kung ang mga opisyal na dapat ay nagbibigay proteksyon ang siyang nananakit pa sa ating mga kababayan.
Pinuri naman na ni Zubiri si Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin sa agarang pagpapabalik sa Pilipinas kay Mauro para maimbestigahan.
Panawagan lang niya kasuhan si Mauro dahil sa pang-aabuso, paglabag sa labor laws ng Pilipinas at paglabag sa Kasambahay Law.