Senado hinikayat ni Speaker Velasco na ipasa na ang kanilang bersyon ng panukala para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience

Kasunod ng pagtama sa bansa ng Bagyong Quinta, hinimok ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Senado nag awing prayoridad ang pagpasa sa panukalang batas na lilikha sa Department of Disaster Resilience (DRR).

Ayon kay Velasco, aprubado na sa Kamara noon pang nakalipas na buwan ang panukala kaya naman hinihikayat nito ang mga senador na ipasa ang kanilang bersyon upang makapagtrabaho na sila para sa enrolled bill na ipapadala sa pangulo upang malagdaan at maging ganap na batas.

Sabi ni Velasco, dahil nasa Pacific Ring of Fire ang bansa madalas itong daanan ng bagyo bukod pa ang mga lindol.

Kaya naman ayon dito kailangan talaga ng Pilipinas ng isang kagawaran na tututok sa disaster response.

“The Philippines is frequented by typhoons and our country is in the Pacific Ring of Fire, making us vulnerable to earthquakes. A Department that deals specifically with disaster response and management is urgently needed,” saad ni Velasco.

Igiiniit ng pinuno ng Kamara na ang pagbuo ng DDR ay makatutulong sa bansa upang mabawasan ang epketong dulot ng mga kalamidad lalo na at nasa kalakitnaan ng paglaban sa pandemya na dulot ng covid-19 ang buong mundo.

“The creation of a Department of Disaster Resilience allows us to be constantly prepared and well-equipped when natural disasters occur. This will enable other Departments to put all their focus and efforts in helping the country recover from COVID-19,” dagdag ni Velasco.

Sa ilalim ng bersyon ng Kamara, layunin ng DDR ay maging ahensya ng gobyernon na mangunguna sa national effort upang paghandaan ang mga kaalmidad, pababain ang epekto nito, tumugon sa mga disaster at pangunahan ang recovery at rehabilitation efforts.

Sa botong 241 na YES, 7 na NO at isang abstention inaprubahan ng Kamara ang panukalang DDR na inihain ng 35 kongresista.

 

Read more...