Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinayuhan ng pangulo ang mga nasalanta na kumapit lamang at parating na ang tulong.
“Well, alam ninyo po, doon sa mga nasalanta ng bagyo, huwag po kayong mag-alala, darating na po ang tulong ninyo. At ang Presidente po, talagang number one concern niya ay iyong safety at well-being ng mga nasalanta ng bagyo. Hang in there po at nandiyan na po ang tulong, parating na,” ayon kay Roque.
Una rito, sinabi ni Roque na may P890 na halaga ng relief packs at standby funds ang dswd para sa mga nasalanta ng bagyong Quinta.
“Mayroon na pong mga nakahanda, mga prepositioned relief goods para sa lahat ng mga nadaanan po ng bagyo. Tayo naman po ay sanay sa bagyo kaya alam na po natin ang gagawin.” dagdag ni Roque.
May nakahanda na ring ayuda ang Department of Agriculture para sa mga magsasaka na nasalanta ang mga pananim.
May pautang aniya ang DA at mayroon namang crop insurance.
Kung nayroon man aniyang pakunswelo, karamihan sa mga magsasaka ay nakapag-ani na ng palay bago pa man nanalasa ang bagyong Quinta.