LOOK: Maraming lansangan at tulay sa Dilasag, Aurora hindi pa rin nadaanan

Lubog pa rin sa tubig baha ang maraming mga lansangan sa bayan ng Dilasag sa lalawigan ng Aurora.

Sa abiso ng Dilasag MDRRMO, hindi passable sa medium at light vehicles ang Ditubo River dahil sa pag-apaw ng tubig.

Umapaw din ang Sapsap River at isinara ito sa lahat ng uri ng sasakyan.

Ang Quary River naman ay hindi rin maaring madaanan ng medium at light vehicles.

Nakaranas ng magdamag na pag-ulan sa ilang bahagi ng Aurora dahil sa Typhoon Quinta.

 

 

 

 

Read more...