Pagbili ng Pilipinas bakuna kontra COVID-19 sa China magiging government to government transaction

Government to government ang gagawing pagbili ng Pilipinas ng bakuna kontra COVID- 19 na gawang China.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay para maiwasan na magkaroon ng korapsyon sa transakayon.

Babayaran aniya ng pamahalaan ang bakuna.

Ayaw ng pangulo na magkaroon ng transakayon sa mga pribadong negosyante dahil malaki ang tyansa na magkaloko loko ang kasunduan.

Sinabi pa ng pangulo na nagkaroon na siya ng pagpupulong kay Chinese Ambassador Huang Xilian.

Nakahanda na aniya ang bakuna at ang pinag-uusapan na lamang ngayon ay kung paano ang distribusyon nito.

“And tell your men if they are into these negotiations that place first a government-to-government transaction. I hate ‘yang ano — ayaw ko ‘yung private persons, magbili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakaloko-lokohan eh. Kagaya ngayon, umatras yata kasi hindi yata nakapag-agree doon sa mga terms nila parang partnership to deal with the Philippine government,” pahayag ng pangulo.

 

 

Read more...