BREAKING: GCQ iiral pa rin sa Metro Manila sa susunod na buwan

Isang buong buwan pang iiral ang general community quarantine sa Metro Manila.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang address to the nation.

Ayon sa pangulo, sasailalim pa rin sa GCQ ang Metro Manila simula sa Nov. 1 hanggang sa Nov. 30.

Ang iba pang lugar sa bansa na patuloy na sasailalim sa GCQ ay ang Batangas, Iloilo City, Bacolod, Tacloban, Iligan at Lanao del Sur.

 

 

Read more...