Comelec magsasagawa na lang ng 4-day registration

Wala nang isasagawang voter registration kapag araw ng Sabado.

Sa inilabas na abiso ng Commission on Elections (Comelec), simula sa November 3 ay magpapatupad na lang ng 4-day voter registration schedule.

Gagawin na lamang ang registration mula Lunes hanggang Huwebes.

Ang araw ng Biyernes ay ilalaan para sa pagsasagawa ng disinfection activities sa mga tanggapan ng Comelec.

Ang oras ng registration ay mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Read more...