Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Muling nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag dahil sa pag-ulan dulot ng bagyong Quinta.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 198.80 meters alas-6:00 umaga ng Martes (October 27) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 194.10 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.85 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 101.23 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.21 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.40 meters.

Samantala, ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.

 

Read more...