Dalawa patay sa Negros Oriental sa pananalasa ng Typhoon Quinta

Dalawa ang nasawi sa lalawigan ng Negros Oriental dahil sa pananalasa ng Typhoon Quinta.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, ang dalawa ay kapwa nalunod matapos subukang tumawid sa ilog.

Sinabi ni Timbal na tinangay ng malakas na alon ang dalawa.

Natagpuan ang katawan ng isa sa mga nasawi sa bahagi ng bayan ng
Bindoy, Negros Oriental.

Habang ang isa naman ay natagpuan sa Siaton, Negros Oriental.

Sa ngayon ay mayroon pang 14 na nawawala.

Kabilang sa mga nawawala ang isa sa mga crew ng lumubog na yate sa Batangas.

 

 

 

Read more...