Kaso ng COVID-19 sa India nadagdagan ng mahigit 36,000 pa

Umabot na sa mahigit 7.9 million ang kaso ng COVID-19 sa India.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 36,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa India.

Dahil dito, umabot na sa 7,945,888 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 7.1 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India at mayroong mahigit 627,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 500 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 119,535 na.

 

 

 

Read more...