Ambassador ng Pilipinas sa Brazil na inireklamo dahil sa pananakit sa kaniyang kasambahay, pinauuwi na sa Pilipinas

Ipinag-utos ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang recall sa ambassador ng Pilipinas sa Brazil.

Ito ay makaraang mahuli sa video si PH ambassador to Brazil Marichu Mauro na sinasaktan at minamaltrato ang kaniyang kasambahay.

Sa pahayag ng DFA, inatasan si Mauro na agad umuwi ng bansa.

Ang 51 anyos na kasambahay ni Mauro na isang Pinay ay nakauwi naman na ng bansa noong Oct. 21.

Tiniyak ng DFA na tinutulungan at kinakalinga ang nasabing kasambahay.

Sa ulat ng Brazilian News na Globo News, inilabas nito ang video ng pananakit ni Mauro sa kasambahay.

Makikita sa kuha ng security camera ang pananampal at iba pang pananakit ni Mauro sa kasambahay.

Siniguro naman ng DFA na magsasagawa ito ng imbestigasyon sa insidente.

 

 

Read more...