LOOK: Asphalt laying sa Skyway 3 tinatapos na

Sa kabila ng nararanasang pag-ulan nitong nagdaang mga araw patuloy ang pag-aaspalto sa Skyway Stage 3 project.

Ayon kay San Miguel Corporation President at COO Ramon S. Ang, double time ang ginagawang pag-aaspalto sa Skyway 3.

Target kasi ng SMC at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makapagdaos ng soft-opening sa naturang kalsada sa Disyembre.

“Despite the rains, we work double time to finish the laying of asphalt on Skyway 3 whenever we get a chance. We are still on track to meet our target December soft-opening,” ayon kay Ang.

Ang naturang kalsada ang nagdurugtong sa NLEX at SLEX.

 

 

 

Read more...