36 pang residente, tinamaan ng COVID-19 sa Baguio

Umabot sa 36 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.

Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (October 26), umabot na sa 1,931 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.

Sa nasabing bilang, 568 ang aktibo pang kaso.

22 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.

Bunsod nito, 1,338 na ang total recoveries sa Baguio City habang 25 pa rin ang death toll.

Samantala, sa suspected cases, nasa 4,352 ang aktibo habang 3,063 ang naka-recover.

Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 15,107 na residente habang 18,667 ang nakatapos na.

Read more...