COVID-19 recoveries sa Central Visayas, halos 20,000 na

Nagkaroon pa ng 67 na kaso ng COVID-19 sa Central Visayas.

Batay sa inilabas na datos ng DOH Central Visayas hanggang October 26, 22,167 na ang confirmed COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa naturang bilang, 914 ang aktibo pang kaso.

Umabot sa 141 ang bagong gumaling kung kaya 19,916 na ang COVID-19 recoveries.

Apat naman ang bagong napaulat na nasawi sa nasabing rehiyon.

Dahil dito, 1,337 ang bilang ng mga pumanaw sa Central Visayas bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...