Mga naka-recover sa COVID-19 sa Mandaluyong City, halos 5,000 na

Napaulat ang 19 pang nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:47, Lunes ng hapon (October 26), 5,392 na ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 223 ang aktibong kaso.

Isa ang itinuturing na probable cases habang 946 ang suspected cases kung saan 20,854 ang cleared na.

37 naman ang mga bagong gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 4,998 na ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod.

Samantala, 171 na ang mga residenteng pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...