Zika virus, category 1 na sa Philippine Integrated Diseases Surveillance and Response System

Zika virusInilagay na ng Department of Health (DOH) sa category 1 classification ng Philippine Integrated Diseases Surveillance and Response System ang Zika Virus.

Ayon kay Health Secretary Janet Garin, nangangahulugan ito na ang lahat ng pinaghihinalaang kaso ng Zika virus ay dapat mai-report agad sa DOH sa loob ng dalawampu’t apat na oras.

Sinabi ni Garin na dadaan sa verification at validation ang mga maire-report na posibleng kaso ng Zika.

Mayroon aniyang kapasidad ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM sa Muntinlupa City na suriin kung positibo sa Zika o hindi ang isang pasyente.

Bukod sa RITM mayroon din aniyang pasilidad ang DOH sa Visayas at Mindano upang masuri ang nasabing sakit.

Gayunman, sinabi ng kalihim na hindi na bago ang surveillance procedure na kanilang ginagawa dahil ang nasabing guidelines ay nagpapatuloy sa nga infectious diseases.

Nagkaroon aniya ng 827 suspected Zika cases na sinuri sa RITM simula noong Nobyembre ng nakalipas na taon pero nag-negatibo naman lahat ang mga ito.

Kasabay nito ay muling nanawagan ang DOH sa mga buntis na mag-ingat sa kagat ng lamok.

Ayon kay Garin, kailangang triple ingat ang mg nagdadalang tao upang hindi maapektuhan ang kanilang nasa sinapupunan.

Sinabi ni Garin na kapag nagkaroon ng lagnat, raches at pamumula ng mata ang mga buntis ay dapat kaagad silang magpatingin sa duktor upang masuri.

Read more...