Big-time oil price hike, ipatutupad bukas ng mga kumpanya ng langis

Oil photo genericMagpapatupad muli ng dagdag presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes, March 15.

Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas, may dagdag ang Shell at Seaoil na P1.60 sa kada litro ng Gasolina, P1.15 sa kada litro ng Kerosene at P1.25 sa kada litro ng Diesel.

Sunod namang nag-anunsyo ang kumpanyang PTT na mayroong parehong dagdag presyo sa kanilang Gasolina at Diesel alas 6:00 ng umaga bukas.

Inaasahang ngayong maghapon sunod-sunod na mag-aanunsyo ng kanilang dagdag presyo ang iba pang kumpanya ng langis.

Dahil sa nasabing big-time oil price hike, nabalewala na ang naibawas na presyo sa produktong petrolyo na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis mula noong January 2016.

Noong nakaraang Martes, March 8, nagpatupad din ng dagdag presyo ang mga oil companies na P0.80 sa kada litro ng Gasolina, P0.65 sa kada litro ng Diesel at P0.70 sa kada litro ng Kerosene.

Read more...