Oil price rollback, ipatutupad bukas (Oct. 27)

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, October 27.

Base sa abiso ng Shell, Seaoil, Petron, Chevron Philippines Inc. (Caltex), PTT Philippines, Petro Gazz at Cleanfuel, may tapyas na P0.25 sa kada litro ng kanilang diesel.

Sinabi naman ng Shell, Seaoil, Petron at Chevron Philippines Inc. (Caltex) na P0.15 ang kaltas sa kada litro ng kanilang kerosene o gaas.

Wala namang magiging pagbabago sa presyo ng gasolina.

Unang magpapatupad ng oil price adjusrment ang Caltex bandang 12:01, Martes ng hatinggabi, October 27, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

Ang pagbabago naman ng presyo sa iba pang kumpanya ng langis ay epektibo bandang 6:00 ng umaga.

Read more...