Consular office ng DFA sa San Pablo, Lipa at Legazpi, isinara ngayong araw

Sarado ang Consular Offices ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa San Pablo, Laguna; Lipa, Batangas; at Legazpi, Albay sa araw ng Lunes, October 26.

Sinabi ng kagawaran na ito ay bunsod ng malakas na pag-ulang dulot ng Typhoon Quinta.

Inabisuhan naman ang mga aplikante na may confirmed appointments sa naturang petsa na magpa-appoint muli kasama ang mga sumusunod na impormasyon:
– Name
– Date of birth
– Original appointment date and time
– Preferred date and time of new appointment

Ipadala lamang ito sa mga sumusunod:
– sanpablo.co@dfa.gov.ph
– lipa.rco@dfa.gov.ph
– legazpi.rco@dfa.gov.ph

Ang bagong appointment schedule ay maaaring itapat mula October 27 hanggang November 27, Lunes hanggang Biyernes tuwing regular operation hours (10:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon).

Para naman sa mga aplikante na may emergency o kailangan ng urgent consular services, maaaring makipag-ugnayan sa CO Tacloban sa pamamagitan ng email:
– sanpablo.co@dfa.gov.ph
– lipa.rco@dfa.gov.ph
– legazpi.rco@dfa.gov.ph

Magbabalik naman sa normal na operasyon ang CO San Pablo, CO Lipa, CO Legazpi sa Martes, October 27.

Read more...