Ayon kay Defensor, ang eksperimento sa mga biological products at pharmaceutical agents, kadalasang pinakahuli ang mga kabataan at mga buntis sa pagsusuri sa pagiging epektibo at kaligtasan ng bakuna.
lahat anya ng ginagawa ngayon na final stages ng human clinical trial para tukuyin ang safety at efficacy ng COVID-19 vaccine ay ginagawa sa general adult population na edad 18 taong gulang pataas.
Sakali aniyang maaprubahan para sa emergency use ng general adult population ang COVID-19 vaccine sa ikalawang bahagi ng 2021, oobligahin pa rin ang mga drug regulators sa buong mundo maging ang Food and Drug Administration (FDA) ng bansa na magsagawa ng clinical studies para matiyak ang kaligtasan nito sa mga kabataan.
Binigyang-diin pa ng kongresista na lahat ng inaasam na COVID-19 vaccines na dumaan sa advance trials ay hindi katulad ng ibang bakuna gaya ng measles, polio at tetanus na mula simula pa lamang ay naangkop at nakadisenyo na sa mga kabataan.