Naitala ang nasabing datos mula February hanggang 2:00, Linggo ng hapon (October 25).
Nitong nagdaang linggo, sinabi ng kagawaran na aabot sa 7,732 ang napauwing overseas Filipinos.
Sa kabuuang bilang na 231,026, 76,069 o 32.93 porsyento ang sea-based habang 154,957 o 67.07 porsyento ang land-based.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
MOST READ
LATEST STORIES