Red rainfall warning nakataas sa Palawan, Occidental Mindoro

Credit: PAGASA FB

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa bansa.

Sa inilabas na abiso bandang 2:00, Lunes ng hapon (October 26), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Quinta.

Nakataas ang red warning level sa Palawan at Occidental Mindoro.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na inaasahang makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Yellow warning naman ang nakataas sa Antique, Aklan, Capiz, Guimaras at Iloilo.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...