Pangulong Duterte nakabantay sa kalagayan ng bansa sa pananalasa ng Typhoon Quinta

Nakatutok si Pangulong Rodrigo Duterte sa kalagayan ng bansa habang nananalasa ang bagyong Quinta.

Ito ay kahit nasa Davao City ngayon si Pangulong Duterte.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Senador Bong Go na nakausap niya si Pangulong Duterte at nagbabantay sa lagay ng mga apektadong residente.

Apela ni Go sa publiko, sumunod sa mga utos ng local government officials at huwag nang matigas ang ulo at maging pasaway lalo na kung pinayuhang lumikas sa mas ligtas na lugar.

Pinasisiguro naman ni Go na sumunod sa health protocols gaya ng physical distancing sa mga evacuation center para makaiwas naman sa Covid 19.

Sa ngayon, may mga ipinamahagi na aniyang relief goods ang pamahalaan para sa mga apektadong residente ng bagyong Quinta.

Tiniyak naman ni Go na agad na aayusin ng pamahalaan ang mga nasirang kalsada at iba pang ari arian ng pamahalaan na winasak ng bagyo.

 

 

 

Read more...