Minority senators na nanawagan na palayain sa Sen. De Lima pinatututok na lang sa pagpasa ng budget

Pinapayuhan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga minority senators na tutukan na lamang ang pagpasa sa 2021 national budget kaysa ipanawagan na palayain si Senador Leila de Lima.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, dapat nang ihinto ng mga senador ang pag aabogado kay De Lima.

Una rito, nanawagang muli sina Senators Risa Hontivetos, Francis Pangilinan at Franklin Drilon na palayain si de lima matapos ihayag ng mga kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na wala silang nakitang kahina hinalang transakayon sa pagitan ni de Lima at mga drug convicts.

Ayon kay Panelo, bilang mga mambabatas, batid ng tatlong senador na may mga umiiral na batas sa bansa.

Dapat aniyang ipaubaya na sa mga abogado ni De Lima ang pagtatanggol sa kanya.

Sinabi pa ni Panelo na dapat na manaig ang batas lalo’t maayos naman itong nasusunod sa Pilipinas.

Nakakulong si de Lima sa Camp Crame, Quezon City dahil sa umano’y pagbibigay proteksyon sa mga drug convict sa New Bilibid Prison.

 

Read more...