Mayor Isko Moreno trabaho pa rin kahit nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ina

Tuloy pa tin ang trabaho ni Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay kahit na nagluluksa si Mayor Isko dahil sa pagpanaw ng kanyang inang si Rosario Moreno Domagoso sa edad na 74.

Katunayan, dumalo pa si Mayor Isko sa flag raising ceremony ngayong umaga.

Pakiusap ni Mayor Isko sa mga Manileño, alagaan ang kanilang mga magulang habang nabubuhay pa.

Wala aniyang magulang ang naghahangad ng masama sa kanyang anak.

Dapat aniyang isipin ng mga anak na nagsumikap ang kanilang mga magulang para itaguyod at bigyan ng magandang kinabukasan.

Abala rin ngayon si Mayor Isko sa pagbabantay kung may mga pagbaha sa Maynila at kung may kailangan na ilikas dahil sa bagyong quinta.

 

 

Read more...