Heavy rainfall warning nakataas pa rin sa Occidental Mindoro, Palawan at Batangas

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ng PAGASA sa Occidental Mindoro, Palawan at sa Batangas.

Sa inilabas na rainfall warning alas 11:00 ng umaga ngayong Lunes, Oct. 26, red warning level ang umiiral sa Occidental Mindoro at Palawan kabilang ang Kalayaan Group of Islands.

Nagbabala ang PAGASA ng seriuos flooding sa low lying areas.

Samantala nakataas pa rin ang yellow warning sa Batangas.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:

– Rodriguez, Rizal
– Tarlac
– Nueva Exija
– Zambales
– Bataan
– Pampanga
– Bulacan
-Cavite
– Laguna
– Quezon

Aasahan din muli ang mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila sa susunod na mga oras.

 

 

 

Read more...