Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Lunes, (Oct. 26) ay 43,323,390 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 404,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 60,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 45,000 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala lang ng dagdag na 12,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 8,889,179
India – 7,909,049
Brazil – 5,394,128
Russia – 1,513,877
France – 1,138,507
Spain – 1,110,372
Argentina – 1,090,589
Colombia – 1,015,885
Peru – 888,715
Mexico – 886,800