Madrid, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers southwest ng bayan ng Madrid, alas-10:42 ng umaga ng Lunes (October 26).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

 

 

 

Read more...