Pila ng mga sasakyan na magpapakabit ng RFID stickers sa QC Memorial Circle, mahaba na

Mahaba na ang pila ng mga sasakyan sa Quezon City Memorial Circle.

Ito ay dahil binuksan ng QC LGU ang QCMC para sa mga sasakyan na nais magpakabit ng Easytrip RFID Sticker.

Bukas ang QCMC sa mga sasakyan na magpapakapit ng RFID hanggang alas 5:00 ng hapon mamaya.

Libre ang RFID sticker.

Kailangan lamang bayaran ang initial load na P500 para sa Class 1 vehicles at P1,000 naman para sa Class 2 at Class 3 vehicles.

 

 

 

Read more...