Pasok sa mga korte sa Santa Cruz, Laguna suspendido dahil sa Typhoon Quinta

Suspendido ang pasok sa mga korte sa Santa Cruz, Laguna ngayong araw ng Lunes, Oct. 26.

Sa abiso ni Executive Judge Divina Gracia Bustos-Ongkeko, sarado ang mga RTC, MTC, at MCTC sa Sta. Cruz.

Lahat ng nakatakdang court hearings ngayong araw ay hindi muna matutuloy.

Una nang nagsuspinde din ng pasoksa gobyerno sa buong lalawigan ng Laguna si Gov. Ramil Hernandez.

 

 

Read more...